Monday, April 20, 2009

Sa aking katahimikan...Nahuhulog sa iyo

Hindi ko masabing masaya ako kapag tumitibok ang puso ko, pag naiisip kita…
Hindi ko kasi pwede paniwalaan yun, nakakabulag yung trap ng love na kinikilig ka then after..anuna? pag nahulog ka sa bitag nya, babagsakan mo, pain and loneliness…
Ang saya ng feeling pag nakakausap kita, hindi ko maipalaiwanag ng husto, basta ang alam ko masaya ako pag kausap kita, simula sa non-sense chat hanggang sa mga sensible or delicate topics…okay ka kausap…

Nakakatakot ang sarili ko one night nang makausap kita, akala ko yun na naman ang hudyat ng kalungkutan ko, akala ko iiwas ka kasi nakakailang naman sa totoo lang yung napag-usapan natin…Eh mabait ka, hindi ka umiwas-nawalan ka lang ng pagkakataon makapagreply…hahaha, pinutol ni God yung usapan, kilala ako ni God, alam niya kung kelan ako sasaluhin sa kalokohan ko.

Thank you kasi napapangiti mo ko. Kasi nauunawaan mo ako. Kasi nagkakapareho tayo …pero hanggang dun lang yun, kasi …hindi pwede, hindi ko ri kayang isugal yung meron “tayo” ngayon kapalit ng pagkasiwalat ng katotohanan. Hindi naman sa sinungaling ako sa iyo, ayoko lang pare-pareho tayo malungkot o maagrabiyado dahil sa nararamdaman ko. Ibabaon ko na lang sa lupa para hindi na maalala, na minsan , inamin ko sa sarili ko na nahuhulog ang puso ko sa iyo…

Nakakabwisit din tong sarili ko, yung utak ko nagdedecide na i-set aside ang feelings ko para say o pero yung puso ko, parang bitin na bitin, parang hindi sangayon sa utak ko…nag-aalboroto…nagkukumawala….gustong sumigaw…gusting malaman mo…Kung eengot engot ako, baka inamin ko nay un, matagal na…pero respeto ko sa kabaitan mo, kabayaran nun ang sakripisyo kong maging kaibigan mo lang…isang tahimik na kaibigan….

Sadistic ang sarili ko, pansin ko, yung puso ko pilit na sinasaktan ng utak ko…biruin mo bang tanungin kita kamusta na yung babaeng nagugustuhan mo, kung nasilayan mo na siya sa araw na ito, kung buo naba ang araw mo…-alam ng utak ko na masasaktan ang puso ko kaya niya ginagawa yun…magaling din magmalasakit ang utak sa puso, alam niyang kailangang masanay si puso na paulit ulit siya masakatan para hindi na malala ang epekto sa sirkulasyon niya…para maging matigas na siya…para sa susunod, kaya na niya harapin ang sakit na idudulot ng pagkabigo niya…alam na niya ang dapat iexpect sa susunod…

Sa kamanhiran, alam ko hndi ito isang kasalanan. Ito na ata ang pinakamalawak na pang-unawa na kaya ng isang tao…Sa sariling paniniwala ko, ang kamanhiran ay hindi pagwawalang-bahala sa isang bagay. Ito ay isang makabuluhang katahimikan na puno ng respeto…wala rin taong hindi marunong gumamit nito…nakakalimutan lang…

Pagpasensyahan mo ang aking kadaldalan, hindi ko sinasadyang maramdaman ito sa iyo…pero hindi ko iyon ipapaalam ng tahasan iyo…ayaw kong mabaliwala ang nasimulan na…masaya na ako sa ganito, sa katahimikan ng nararamdaman ko…Maingay ang tawa ng isang taong nasasaktan…pero mas malakas ang pagiyak niya sa kaibuturan ng kanyang nararamdaman…Sana , kayanin nitong puso ko na makalimutan ang nararamdaman ko para sa iyo….sana kaya niyang magpahinga…

No comments:

Post a Comment